InvestEd Philippines is a duly registered Lending Company with SEC registration No. CS201629776 and Certificate of Authority No. 2714.
Please remember to study the Terms and Conditions before proceeding with the loan transaction.

Kwentong Investee: Mai Ponce

Kilalanin natin si “Mai”, ang bida sa ating unang Kwentong Investee.

Sinong mag-aakala na sa kabila ng kanyang ngiti at energy ay isang estudyante na dumadaan din sa iba’t ibang pagsubok?

Nagsimula ang problema ng pamilya ni Mai dahil sa epekto ng pandemic sa negosyo ng kanyang mga magulang.

“Papa ko po kasi before may business… making yung box for souvenirs para po sa weddings. But noong nagstart po ang pandemic, natigil ‘yung mga events, so nawala ang business niya.”

Dahil dito, muntik nang tumigil si Mai sa kanyang pag-aaral. During that time, Mai’s already in her 3rd year in college. Gustung-gusto nyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral, ngunit dalawang kapatid niya pa ang nag-aaral din. Ito ang nagtulak kay Mai upang maghanap ng iba’t ibang paraan para makatulong sa kanyang pamilya.

Ngayong taon, nagsimula si Mai maging regular streamer sa Kumu at content creator sa Tiktok. Ito ang nagsilbing source ng extra financial support para sa kanyang pag-aaral at iba pang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Dahil sa paggamit ng kanyang talento sa hosting at performing, malaki ang naitutulong ni Mai sa gastusin nila sa bahay. Higit sa lahat, malapit na niyang maabot ang kanyang pangarap na maka-graduate.

“45 units na lang, Ate, tapos na ako!”

Nakwento rin ni Mai kung ano ang kanyang main motivation para magpatuloy lumaban sa kabila ng mga problema na dumarating:

“Ang dami po talagang tao na gusto makapag-aral, hindi lang po kinakaya ng finances.”

[Ito ang kanyang payo] “Don’t stop dreaming. Hindi porke’t walang pera ay hindi na kakayanin mag-aral. Gagawa tayo ng paraan para makatapos tayo kasi once na makatapos tayo, babalik din lahat ng pinaghirapan natin.”

Ito si Mai, isa sa aming mga Investees – isang modern day Bayani!