Meet Jocelyn, the hero of our Kwentong Investee Episode 3.
Si Jocelyn ay isang Nursing graduate mula sa Batangas State University. Bago mapunta sa landas ng pagiging isang Nurse, siya ay nag-aral muna ng Entrepreneurship for two years. Even though shifting would revert her to being a Freshman, pinili pa rin ni Jocelyn na i-pursue ang kanyang passion sa kabila ng mga nagsasabi na mahirap maging isang nurse.
“Noon pa man, gusto ko na talaga mag-Nursing. Pero ang sabi ng iba, walang pera doon and mahirap mabuhay. Pero hindi ko talaga gusto ang business… so noong pumayag sina mama, nagshift agad ako.”
Bilang solong anak, sa pakikipaglaro sa kanyang mga manika nadiscover ni Jocelyn ang passion nya sa pagtulong sa kapwa.
Some would think she led a comfortable life pero gaya ng marami, siya ay nakaranas din ng maraming pagsubok – lalo na noong magsimula ang pandemic. Her mom used to manage a small plant business pero nang dumami ang competitors during pandemic, napilitan siya na magsara na lamang at magretire. Ang tatay nya na isang office admin ay nahirapan din dahil sa no work, no pay setup.
“Before pandemic, nakakabayad pa kami ng kuryente. Ngayon umaabot ng tatlo or apat na buwan. Minsan nagkaka-disconnection notice na kami.”
Para makatulong sa pamilya, pinasok ni Jocelyn ang online business. Last June 2020, nagsimula siya magbenta ng mga damit at decorated pots na nakatulong sa kanilang araw-araw na gastusin.
Subalit muling sinubok sina Jocelyn nang ma-involve sa isang car accident ang kanyang nanay last September. Ang nangyaring ito ang mas nagtulak sa kanya na magpursigi sa kanyang propesyon.
“Ayaw na ayaw ko na ulit mangyari yung tatanggihan kami ng mga ospital dahil wala kaming pera na pambayad sa kanila kahit kailangan namin ng medical intervention. Hindi ako pwedeng tumandang mahirap dahil kawawa sina mama.”
Si Jocelyn ang una sa kanyang pamilya na nakapagtapos sa kolehiyo at ngayon ay naka-focus na sa paghahanda sa kanyang Nursing Licensure Exam (NLE) this November 21-22. When asked kung ano ang nilu-look forward nya pag naging registered nurse, ito ang kanyang sagot:
“Gusto ko maging magaling na nurse. Ang sarap kasi sa feeling nung maalagaan ka. Kahit simpleng ‘Good evening, ma’am. Kuha lang po akong BP.’ Gusto ko rin magtrabaho dito dahil naaawa ako sa healthcare ng Pinas. Super super kawawa. Ang hirap pala talaga pag wala kang pera.
Gusto ko na rin mabayaran lahat ng utang namin. Gusto kong makaipon. Gusto kong ipaayos yung bahay or mailipat sina mama sa ibang lugar, yung maging komportable sila.”
Ito ang kanyang advice sa mga estudyante, Nursing man o hindi, na dumadaan sa pagsubok ng buhay:
“Okay lang magalit. Okay lang umiyak. Basta babangon ka. Para kanino ka bumabangon? Yun ang lagi kong iniisip. Sina mama, sila yung reason kung bakit ako bumabangon. Kasi sila, hindi sila napagod bumangon for me.”
Sa mga fellow Nursing graduates ni Jocelyn na magtetake din ng licensure exam this month, ito ang kanyang inspiring na mensahe:
“Sa lahat ng mga future nurses, see you there! Isipin nyo rin kung para kanino kayo bumabangon. Kasi pag naalala nyo ito, hindi kayo panghihinaan ng loob. Wag mapapagod dahil lahat tayo ay may kanya-kanyang time, may kanya-kanyang moment. Kung hindi para sa’yo ang lisensya, ipaglaban mo.”
Ito si Jocelyn, isa sa aming mga Investees – isang modern-day Bayani!