Pangkaraniwan na pangangailangan na ng mga estudyante ngayon ang gadgets. Bukod sa pagiging libangan, pinapadali nito ang kanilang mga gawaing pang- akademya: mula sa pag-type, pag research, at hanggang sa pakikipag-ugnayan sa mga propesor at kaklase. Para kay Casey na kumukuha ng kanyang masteral sa Polytechnic University of the Philippines, laptop ang katuwang nya sa bawat hakbang sa pag-aaral.
Nag-umpisa ang kwentong InvestEd ni Casey nang masira ang gamit nyang laptop. Sa dami ng mga kailangang dokumento para makapag-apply ng gadget installment sa mga retailer, nahirapan s’yang palitan ito. Kung bibili naman siya ng second-hand, hindi sya sigurado sa tibay at authenticity.
Minabuti niyang tumingin sa Lazada dahil isa ito sa mga pinaka-accessible na platform. Dito nya nakita ang InvestEd bilang gadget loan provider para sa mga naka-enroll sa eskwela na gaya niya.
“Because of my urgent needs, I decided to seek help. Grateful that I got to know about InvestEd.” (Dahil sa biglaang pangangailangan, nagdesisyon akong maghanap ng makakatulong sa akin. Mabuti na lang at nalaman ko ang tungkol sa InvestEd.)
Sa katulad nyang breadwinner, prayoridad ni Casey ang pagkain, kuryente, at iba pang mga pangunahing pangangailangan sa bahay. Bago siya maka-avail ng Lazada Student Gadget Loan, tini-tiyaga nyang tapusin ang kanyang mga report sa library o kaya computer shop.
“InvestEd has saved me from doing my research in computer shops at night.” (Dahil sa InvestEd ay hindi na ako kailangang gabihin sa mga computer shop sa pagreresearch.)
Mahalaga ang research sa pag-aaral ni Casey; siya ay nasa larangan ng science at kasalukuyang nasa unang semester ng Masters in Biology.
Hindi na rin naman bago sa kanya ang pagtanggap ng aid at suporta mula sa mga institusyon. Maging ay kanyang undergrad course ay natapos niya sa pagiging iskolar.
“I took BS Biology because I really enjoyed my biology subject back in high school. Right now, I am working as a Research Assistant at the same university I studied during my undergrad.” (Pinili ko ang kursong BS Biology dahil isa iyon sa mga na- enjoy kong subject noong high school. Sa ngayon ay isa akong research assistant sa unibersidad kung saan ako nagtapos.)
Binahagi din ni Casey ang pagnanais nyang mag-iwan ng mas maayos na kalikasan para sa mga susunod na makakatamasa nito.
“I hope the future generations could still enjoy the environment that we have right now. If it could be improved through science, much better.” (Hangad kong maranasan pa ng mga susunod na henerasyon ang kalikasan natin. Kung mapapaganda pa ito sa pamamagitan ng science, mas mabuti.)
Sa kabila ng mga hamon ng buhay, sinisikap ni Casey na makapag-ambag sa ikakabuti ng kinabukasan. Aniya, “It may not be as grand as everyone else’s, but I hope I could be of any help for the environment.” (Hindi man kasing engrande ng ibang kabuhaya, gusto kong makatulong sa kalikasan.)
Katuwang naman niya sa pag-aaral ang kanyang pamilya na nagsisilbi ring inspirasyon at pinaghuhugutan ng lakas.
“We were raised by a single mom, so early on I understood the importance of education and hardwork.” (Pinalaki kaming mag-isa ng nanay namin kaya noon pa lang ay alam ko na kung gaano kahalaga ang edukasyon kalakip ng sipag.)
Inaasahan niyang magiging kaagapay nya ang nabiling laptop sa Lazada hanggang sa matapos nya ang kurso.
“My family is what keeps me going. They are the reason why I am doing all of these. My mom has been my constant supporter ever since I decided to pursue higher education,” dagdag pa nito.
(Ang pamilya ko ang dahilan kung bakit ako nagpapatuloy, sila ang dahilan ng pagsusumikap ko. Nanay ko rin ang pinakamalaking supporter ko simula nang magdesisyon akong kumuha ng post-graduate degree.)
Dulot ng pag-alalay ng InvestEd kasama ang Lazada, ang simpleng gadget ay makakapag-ambag sa kinabukasan ng mga gaya ni Casey na may marangal na pangarap na hindi lang para sa kanya kundi sa mahal sa buhay.
“I am now living my childhood dream—to be a scientist.” (Isinasabuhay ko ang pangarap ko ‘nung bata pa ako—ang maging scientist.)