Ready or not, natural na pinagdadaanan ang adulting sa buhay ng isang tao. Minsan ay hindi ito nangyayari sa isang takdang edad o panahon at minsan ay dumadating pa ito kahit wala kang sariling process or route na napagdesisyunang tahakin.
Sa umpisa, madaling maka-overwhelm ang adulting dahil sa dami ng pagbabago at challenges na kailangan mong harapin. Pero kapag matagumpay kang nakapag-adjust sa phase ng buhay mo na ‘to, you will be all set in terms of stability at magkakaroon ka ng peace of mind.
Kalakip ng pagiging adult ay ang mga responsibilidad pero bilang indibidwal, mayroon tayong kanya-kanyang strengths at skills na susuporta sa atin sa pag-fulfill ng mga ito. Ang pagkilala sa sarili mong kalakasan ang magtuturo kung anu-anong mga bagay ang maaari mong unang pagtuunan ng pansin at ano ang nasa labas ng comfort zone mo, ito ang tinatawag na self-awareness.
Sa pamamagitan ng pagtuklas sa sarili, mas madali mong makukuha ang mga tinuturing na external desires. This requires recognition at appreciation sa mga nagagawa mo na at kung ano ang magagawa mo pa. Itong ang magse-set ng goals na achievable at dahil mayroon kang introspection at alam mo sa sarili mo ang mga pinanghahawakan ay mas makakagawa ka ng informed decisions.
Bukod dito, mahalaga ang pagkakaroon ng boundaries sa pagharap mo sa bagong journey ng adulting. Ito ang magsisilbing compass sa paggawa mo ng mga desisyon at course of action na kukunin mo. Makakatulong ito para magkaroon ka ng clear structure, sense of control, at limit-setting.
Karaniwan na ina-associate ang boundaries sa mga working individuals pero isa itong myth na dapat i-debunk. Kahit sinuman sa iba’t ibang estado at lagay sa buhay ay dapat magkaroon nito para magkaroon ng holistic approach sa pangmatagalan. Sa pamamagitan ng malinaw na limits sa mga nakaka-apekto sa buhay mo, maiiwasan ang burnout, stress, at emotional exhaustion.
Kung hindi mo alam saan magsisimula, let’s go back to basics. Bagama’t maraming component ang adulting, may tatlong main aspect na dapat mong pag-focusan. Ito ay ang mga sumusunod:
In theory, madaling sabihin ang magtipid at huwag gumastos pero ano nga ba talaga ang concrete steps na maari mong gawin sa madaling panahon? Nand’yan ang fundamental na pag-equip sa sarili mo ng tools para tumaas ang ‘yong awareness tungkol sa spending habits. May mga practical steps na maaaring sundin at balikan kung sakaling magkamali at madulas sa pagko-control.
Sa panahon ngayon, madali na ang pagtrack kung saan napupunta ang pera. Hindi mo na kailangan ng ledger at excel sheets, bagaman malaking tulong ang mga ito lalo na kung mabusisi at manual na paglagda ang preference mo. Para sa mas convenient na paraan, mayroong mga spending tracker na maari mong i-download mula sa app store. Kailangan mo lang maging masipag sa pag-input ng bawat gastusin.
Ang mga mas integrated na tracker ay isinasama pa ang income at budget limit per category katulad ng utilities, pagkain, groceries, at leisure. Dulot nito ay better allocation para sa mga dapat mong i-priority. Nakakatulong ito dahil ‘pag may visual representation ng expenses, mas madaling makita kung ano ang mga dapat bawasan at paghigpitan ng sinturon.
Ang pagkakaroon ng fixed budget ay isa ring form ng boundary na nagre-require ng acceptance kung ano lang talaga ang afford mo at anong expenses ang kailangan mong i-cut back. Mahalagang tandaan na ang pagtitipid ay life-long behavior na nakasalalay sa mga habits mo araw-araw, gaya ng pagtitimpi sa impulse buying, pag-iwas sa mga tinatawag na budol, at kawalan ng kahandaan sa mga di inaasahang gastusin.
Bukod sa mga nabanggit sa itaas, ang pagkakaroon ng credit ay isa sa mga biggest hurdles sa financial stability. Hindi naman masamang magkaroon ng utang as long as alam mo ang responsableng paggamit nito at may kakayanan kang i-manage at i-strategize ang pag-resolba dito.
Habang may standing ka pa na utang, ang mindset mo dapat ay save versus spend. Dahil ang tamang paghawak lang ng pera ang makakapagpagaan sa iyong financial status. Kailangan mong i-evaluate ang current financial standing mo at anu-ano ang mga roadblocks sa pag-ginhawa. Once you figure out ano ang mga struggle mo, magiging straightforward ang pagresolve sa mga ito. Maari mong i-consider ang sahod at iba pang pinagmumulan ng income kung ikaw ay may extrang binabayaran.
Kung may high-paying job na maaari mong pasukan, malaking tulong ito para mapadali ang debt management mo. Ang mataas na sweldo ay isa sa pinaka-reliable na paraan para siguraduhing makakabayad sa mga tungkuling pinansyal. Dahil sa mas malaki ang inflow ng pera, mas malaki ang maibabalik mo sa pinagkaka-utangan at higit pa rito ay posible ring magka savings kung magiging madiskarte ka sa paghawak ng pera.
Baliwala rin ang pag kakaroon ng high income kung hindi mo matutuhan ang tamang pagmanage nito. Ang pagkakaroon ng understanding at skills sa financial matters ay makakatulong sa paggawa ng system na personalized sa’yo. Kahit maliliit na hakbang, basta’t consistent ka ay madali mong makikita ang resulta at kaginhawaan sa pera.
Critical ang career sa bawat indibidwal. Maaring daunting ang pagpa-plano nito pero dito papasok ang growth, exploration, at confidence mo sa iyong mga kakayahan. Kung mayroon kang clear vision at focus, madal kang makakuha ng momentum sa pag-abot ng professional milestones.
Anu-ano nga ba ang milestones at goals na maari mong i-challenge ang sarili mo na marating? Relative ang mga ito para sa iba’t ibang tao dahil hindi rin naman pare-pareho ang career na tinatahak ng lahat. Para sa iba, ang pagkakaroon ng corporate job ay isa nang goal samantalang sa iba naman ay promotion.
Mahirap maging prepared bago pa man mag-umpisa sa trabaho. Dahil dito, you should keep the mindset to learn along the way. Ang self-awareness na ito ang magdadala sa’yo sa mga goals mo gaano man kaliit o kalaki.
Kung alam mo ang ‘yong mga assets at marketable skills, magiging advantage ito sa paghahanap ng trabaho. Maaring ikaw ay efficient sa paggawa ng tasks, effective leader, o dedicated at trustworthy pagdating sa paghandle ng information. Ang mga katangiang ito ay pinapahalagahan ng mga kumpanya sa bawat empleyado. Alamin mo kung ano ang iyong strengths at weaknesses para alam mo kung ano ang ika-capitalize mo at ano ang areas of improvement.
Malaki rin ang emphasis ng purpose kapag pinag-uusapan ang career dahil dito nagmumula ang meaning kung bakit mo ginagawa ang mga tungkulin sa trabaho day-in, day-out. Ang pagiging clear sa ‘yong purpose ang susi para makaiwas sa distractions sa paligid. Halimbawa, kung ang personal mong purpose ay suportahan ang pag-aaral ng mga nakababatang kapatid, hindi ka basta-basta magpapadala sa mga paglabas at pag-gimmick. Kung ang purpose mo ay nakatali sa advocacy na sinusuportahan mo, driven ka sa pagpapalawak ng awareness tungkol dito at mafi-filter out mo ang mga hindi naka-align sa ‘yong goal.
Dagdag sa mga tip na nabanggit, ang pagpapatuloy ng further studies sa field of expertise mo ay makakatulong sa overall career development. Ang mga online platforms kagaya ng Open Campus ay nag-ooffer ng iba’t ibang course, videos, at modules na maari mong ma-apply sa throughout sa career mo. Bukod sa paghone ng critical thinking, maa-adapt mo ang best practices ng iba pang professional na maaari mo rin maging mentor.
Ang pagiging curious sa mga ganitong bagay ay maaring magkaroon ng mga unexpected at rewarding na resulta. Kapag mayroon kang bukas na kaisipan, mas maraming opportunities ang kakatok sa ‘yong pinto. Sa curious mindset madalas umuusbong ang ideas at solutions sa mga problema. Liban dito, magkakaroon ka ng motivation to better yourself kahit ano ang sitwasyon.
Madaling maging defensive kapag nakakarinig ng negative feedback lalo na sa mga bagay na pinaghirapan mo. Pero ang pakikinig, pag double check, pagiging objective lang ang paraan para makagawa ka ng action plan para sa mas maiging kakalabasan. Hindi naman ibig sabihin ng positive outlook sa career ay hindi ka na panghihinaan ng loob. Ang pagiging open sa constructive criticism will get you far hindi lang sa trabaho pero sa ibang aspeto ng buhay.
Mas mahalaga ang direction than speed pagdating sa career advancement. Dahil madaling bumuo ng sariling timeline kapag alam mo ang mga hakbang na dapat gawin at ang kakayanan mong magpersevere anumang hadlang ang haharapin. In a manner of saying, mas madaling maglakbay kung alam mo kung saan mo gustong makarating.
Ang pinakamabisang paraan para umusad ang personal development mo ay paglalaan ng oras — ang pagtatakda kung kailan dapat magsimula, magpahinga, at tapusin ang mga bagay na dapat gawin para magkaroon ka ng free time para sa sarili. Ang pagkakaroon ng malinaw na oras para sa trabaho, pahinga, at personal na gawain ay nagdudulot ng balanseng pamumuhay.
Ang mga ito ang baseline ng boundaries. I-assess mo kung ano ang meron ka na nakakatulong at nakakapagpadali sa buhay mo at alin ang mga nakaka-agitate ng mga nararamdaman mong negative emotions. Sa reflection at self-introspection mo malalaman ang mga sagot sa tanong na “What you allow in your life? at “How do you want to be treated?”
Kung hindi pa rin tiyak ang sagot sa mga ito, maaari mong subukan ang trial and error para mas malinawan ka kung hanggang saan ang comfort zone mo. Sa pamamagitan ng simple step na ito, madali kang makaka-isip ng feasible solutions sa mga maliliit na problema at malalaman mo rin kung anu-ano ang tunay na mahalaga sa’yo na dapat mong i-prioritize.
Kapag nagtatakda ka ng reasonable priorities, mas madaling i-close ang gap sa pagitan ng kasalukuyang lifestyle at ng dream stability mo. Go easy on yourself pero wag mo rin i-underestimate ang iyong potential. Palaging i-maintain ang composure at i-consider ang context at sitwasyon na kinalalagyan para hindi madaling mag-trigger ng anxiety, disappointment, at anger.
To keep you on track, isaalang-alang din ang flexibility at kakayanan mong mag-adapt dahil ang realidad, hindi lahat ng bagay ay sumusunod sa plano. Magandang maging accountable para matuto sa mga karanasan maging mabuti man ang mga ito o hindi. Ang pagkakaroon ng accountability ay hindi pareho sa pagsisi sa sarili mo kapag may hindi inaasahang nangyari. Being well-adjusted also means acceptance of the things you can’t change. Kabilang na dito ang pagtanggap mo sa sariling pace mo dahil ito ay mas nakakatulong sa’yo pagdating sa learning process sa buhay.
Ang mga advice ay makakatulong lang kung susundin mo kalakip ang approach na pinakamabisa para sa’yo. Iba-iba ang limit ng bawat indibidwal at ang pag-absorb sa ganitong information ay hindi dapat maging balakid at maging dahilan para gawin ang first step.
Kung mayroong pinakamahalagang lesson na makukuha mo dito ay everything comes with balance. At para makuha ito ay kailangan mo ng self-mastery and discipline to pull through.
Tandaan na ang adulting ay hindi kasing glamorous ng mga nakikita sa social media at aspirational content na impluwensya ng mga madalas mong napapanood. Minsan ay nagiging skewed ang perception ng pagkakaroon ng maayos na buhay dahil sa pag-portray ng popular media dito. Kung minsan, ang totoong adulting ay kasing simple ng may malinis na bahay, successful na pag-iwas sa awkwardness sa mga social setting, at taking small and calculated risks.
Adulting is basically raising yourself over and over again at gaya ng pagpapalaki ng mga magulang sa’yo ng early stage ng childhood, kailangan mo rin ng mahabang pasensya. ‘Wag magpapadaig sa sense of urgency dahil every development takes time. The key to surviving the real world is to put one foot in front of the other.
Unlock your full potential with exclusive resources and personalized learning paths with Open Campus today. With access to premium content, interactive courses, and a supportive community, you can elevate your journey and prepare for a successful future. Sign up here now!