Meet Avie, the hero of our Kwentong Investee Ep. 2
Si Avie ay isang graduating Accountancy student sa Our Lady of Fatima University, Quezon City. Sa kabila ng challenging na course, masaya siyang mabigyan ng pagkakataon upang maglingkod bilang Presidente ng Junior Philippine Institute of Accountants (JPIA) ng kanilang school.
It is not hard to see why people usually think of Avie as an achiever. All set na sana siya sa kanyang final year, ngunit nangyari ang pandemic…
Around 300,000 OFWs ang naapektuhan ang trabaho last year. Isa dito ang tatay ni Avie.
“Nagtatrabaho po si papa as a fisherman sa isang fishing vessel sa ibang bansa. Nung nagstart po yung pandemic, umuwi po siya… Kaso nahirapan na po syang makabalik…”
Bukod dito, na-stroke din ang nanay ni Avie. Maliban sa pang-aral niya at ng kanyang nakababatang kapatid, nagkaroon ng additional gastos ang pamilya niya sa continuous medication and hospital check-ups.
Avie was suddenly confronted with the challenge of supporting her family.
“Nakakatakot po at nakakakaba, pero ayaw ko pong mahinto sa pag-aaral and need ko rin po matulungan sina papa…”
Dahil dito, pinilit niyang lumaban. Last June, nagsimulang magtrabaho si Avie as a customer service representative kahit walang work experience. Kahit kasabay nito ang kanyang school responsibilities, nagawang matapos ni Avie ang kanyang thesis defense. Bukod dito, nakapag-conduct ang JPIA OLFU-QC ng isang virtual Accountancy review event sa halos 300 students nitong July.
Sa kanyang pagsusumikap, hindi lamang natustusan ni Avie ang pang-aral nilang magkapatid, nakatulong din sya sa mga gastusin sa kanilang bahay at ospital.
“Mahirap po at nakakapagod ang magwork habang nag-aaral pero at least na-continue ko po ang pag-aaral ko at nakakatulong na rin po ako sa mga gastos sa bahay.”
Ayon sa kanya, ito ang kanyang pangarap na syang nagbibigay ng lakas sa kanya para lumaban:
“Gusto ko na po makatapos para hindi na kailanganin umalis ni papa at masamahan nya si mama. Also, yung three letters po talaga, ate – CPA… Tiis lang po and hard work… then trust the process. Soon po, maaabot ko rin yun.”
Ito si Avie, isa sa aming mga Investees – isang modern-day Bayani!